About iAmPilipino Blog

Lahat ng bagay ay may pasimula at kung papaano nabuo. Tulad ng ibang blogger online, ang blog na ito ay masasabi kong nabuo dahil sa kabagutan ng inyong lingkod. Bilang isang Pilipino gusto ko lang mag Share ng mga impormasyon online kung ano ang mga nababalitaan ko at yung mga bagay na tipong hindi naman gaanong nabibigyan ng pansin.

Aaminin ko na, na hindi po ako mahilig magsulat ng mahahaba at mga kwento pero dahil sa naiinspire ako katulad ng ibang blogger eh naudyukan akong gumawa ng blog.

Ang writer po ng blog na ito ay isang simpleng tao at may kaunting alam sa paggawa ng website tulad ng Wordpress, actually, hindi talaga ako gumagawa ng websites pero marunong ako mag configure para makabuo ng isang gumaganang site. Mahilig din akong mag drawing at mag design ng templates pero hindi ko na po iyon magawa dahil sa pang araw araw na gawain.

Ilan sa mga bagay na nakikita ko sa hinaharap na magaganap tungkol sa blog na ito ay ang pagsusulat ko tungkol sa mga pulitiko, entertainment at gaming online lalo na sa android. Malaki ang papel ng mga blogger online kaya kung maliit na blogger ka at gusto mong maki pag LINK sa blog na ito, maaari mo akong contakin sa email na ito "info @ payluwagan . com" paki dikit mo na lang ang mga spaces.

Yan muna siguro ang masasabi ko sa ngayon. Dadagdagan ko na lang ang About Page na ito kapag marami na akong nagawang post at alam ko na kung saan patungo ito.

May 28, 2016 UPDATE:
Salamat sa lahat ng bumisita sa www.iAmPilipino.com. Isang buwan pa lang itong blog na ito pero grabe na ang naging pag dalaw ng mga Pilipino readers.
Asahan niyo po sa mga susunod na araw na magiging lalong mas nakaka engage na mga post ang ipapaskil namin sa blog na ito.


New comments are not allowed.